![]()
Iginiit ni Senator-Judge Vicente Sotto III na dapat manatiling nakabatay sa Saligang Batas ang voting threshold sa impeachment trial, kabilang ang paggamit ng two-thirds fraction sa halip na magtakda ng nakapirming bilang ng boto.
Sinabi ni Sotto na hindi niya nakikita sa Konstitusyon ang partikular na bilang na 16.
Ayon sa senator-judge, ang malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ay ang requirement na two-thirds, kaya ito ang dapat manatiling batayan sa pagboto.
Ipinaliwanag ni Sotto na dapat i-apply ang two-thirds requirement batay sa kabuuang bilang ng mga senator-judge na present, qualified, at may kakayahang bumoto sa loob ng hurisdiksyon ng Impeachment Court.
Mas nakatutugon aniya ito sa nakasaad sa Konstitusyon dahil maaaring magbago ang bilang ng mga senator-judge na dumadalo at lumalahok sa proceedings.
Iginiit ni Sotto na mahalagang manatiling tapat sa intensyon ng Saligang Batas sa pagtatakda ng voting requirement sa impeachment trial.
