![]()
Nilinaw ni Senator Judge Erwin Tulfo na hindi ibinaba ng Impeachment Court ang voting threshold para sa conviction kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Tulfo na nananatili ang voting threshold na 2/3 ng mga senador ang kailangang boto para sa guilty verdict sa Vice President.
Hindi rin aniya ibinabawas sa puwedeng bumoto ang apat na hindi nakadadalo—na sina Senator Ronald Bato dela Rosa na nagtatago, Sen. Loren Legarda na nasa abroad at sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakakulong dahil may kasong plunder.
Sinabi ni Tulfo na ibibilang pa rin sila sa botohan kapag sila ay nakarating.
Sa botong 13 senador, nabaligtad o binawi ang naunang ruling ng Presiding Officer na si Sen. Chiz Escudero na 16 ang kailangang boto para sa guilty verdict kay VP batay sa 24 na membership ng mga senador.
Ang ruling na ngayon, kukunin ang 2/3 sa legally at factually capable na lumahok sa impeachment proceedings kaya ibig sabihin, hindi puwedeng lumahok ang mga nakakulong o suspended, hindi alam ang kinaroroonan, may physical at medical incapacity, nasa labas ng coercive process ng Senado at katulad na sitwasyon.
Dahil sa ruling, hindi na nakapako sa 16 ang voting threshold para sa conviction kay VP Sara.
