dzme1530.ph

ALEX EALA, SISIMULAN ANG KAMPANYA SA SINGAPORE TENNIS OPEN LABAN KAY TATIANA PROZOROVA NG RUSSIA

Loading

Sasabak si Filipina tennis star Alex Eala sa Singapore Tennis Open laban kay Tatiana Prozorova ng Russia, mamayang gabi.
 
Sisimulan ng 21-year-old Pinay tennis sensation ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng Round of 16, matapos makakuha ng first-round bye.
 
Samantala, pinadapa ni Prozorova si Sofia Costoulas ng Belgium sa opening round para maka usad at nakasagupa ang World No. 18.
 
Ang Singapore Tennis Open ang simula ng Asian swing ni Eala, kung saan iba’t ibang tournaments ang naka-lineup para sa kanya, kabilang ang Asian Games at Hong Kong Tennis Open.

About The Author