dzme1530.ph

CALIFORNIA, NAGDEKLARA NG STATE OF EMERGENCY BAGO ANG EL NIÑO

Loading

Idineklara ng Gobernador ng California ang state of emergency habang naghahanda ang US West Coast para sa inaasahang epekto ng El Niño.

Ayon sa forecasters, ang mga susunod na buwan ay maaaring magdala ng malalakas at mapaminsalang mga bagyo sa rehiyon dahil sa naturang weather pattern.

May kasama pa umano itong banta ng higit kaysa sa karaniwang pagtaas ng tubig na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga baybayin.

Sinabi ni Governor Gavin Newsom na kailangang unahin ng estado ang mga problema, sa halip na hintayin ang ang mga ito na mangyari.

About The Author