dzme1530.ph

YAMAN NI VP SARA DUTERTE, HINDI MAITUTURING NA MULA SA MGA KITA SA MGA IDINEKLARA NIYANG KUMPANYA

Loading

INILUTANG ni Senate President Sherwin Gatchalian ang posibilidad na hindi nagmula sa mga negosyong idineklara ni Vice President Sara Duterte ang kanyang yaman na nakapaloob sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
 
Sa pagtatanong ni Gatchalian sa Day 28 ng impeachment trial, sinabi ng testigong si Gerardo del Rosario ng Securities and Exchange Commission na walang nakitang dividendo si VP Sara sa mga korporasyon na may kaugnayan sa kanya at sa kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.
 
Sinabi ni Gatchalian na kung walang kinita ang Bise Presidente, hindi maaaring iugnay sa dividends mula sa mga kumpanyang ang pagtaas ng net worth ni VP Sara.
 
Nilinaw naman ng SEC na maaari pa ring may ibang source of income si VP Sara na hindi galing sa mga korporasyong ito.
 
Sa mga kumpanyang tinalakay, karamihan ay nalulugi kaya’t kung deficit ang retained earnings, hindi maaaring magdeklara ng dividends ang kumpanya.
 
Sa SALN ni VP Sara, nakatala sa ilalim ng entities, businesses o enterprise ang GenCorp Industries Inc. na batay sa dokumento ay dating Timesquare Bee Foods Corp. at Great Jolly Times Foods Corporation.
 
Subalit batay sa dokumento dokumento ng SEC, napag-alamang hindi incorporator o stockholder si VP Sara ng mga kumpanya.

About The Author