![]()
Inaasahan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na lalagpas sa 100 billion pesos ang kanilang investment approvals ngayong taon.
Dahil umano ito sa lumalaking interest ng investors sa New Clark City at sa nalalapit na mga proyekto sa ilalim ng US-led PAX Silica Initiative.
Sinabi ni BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang na sa mga susunod na taon ay posibleng maging magka-level na sila ng Board of Investments (BOI) pagdating sa investment generation.
Kabilang sa project ng pipeline ng BCDA ang 25-million pesos expansion ng logistics apron and access road, pati na ang konstruksyon ng 155-meter runway sa Clark International Airport.
