![]()
Nag-anunsyo ng grupong PISTON na magsasagawa sila ng dalawang araw na transport strike bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, isasagawa ang nationwide strike sa September 29, araw ng Martes hanggang September 30, araw ng Miyerkules.
Dadaluhan ang strike ng mga drivers at operators gayundin ng mga labor at urban poor groups.
Layunin ng strike na kalampagin ang gobyerno upang kumilos laban sa big-time oil price hike sa bansa.
Tiniyak ni Floranda na magpapatuloy ang kanilang protesta hanggang makumbinsi nila ang gobyerno na alisin na ang excise tax at value added tax sa fuel products upang maibaba ang presyo nito.
