![]()
Hiniling ng Provincial Bus Operators kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin na ang suspensyon ng fare hikes na una nang inaprubahan noong Marso.
Sa pahayag ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, iginiit na umabot na sila sa punto na hindi na nila kayang sagutin ang gastusin sa kanilang operasyon.
Ipinaliwanag na tumaas na ng 45 hanggang 60 percent ang kanilang operating costs habang ang pasahe sa mga bus ay hindi na nakakasunod.
Iginiit pa ng organisasyon na wala nang industriya ang mabubuhay kung ang regulated revenue ay mas mababa pa sa actual cost sa pagse-serbisyo.
Hindi umano sila humihingi ng ayuda, sa halip ang gusto nila ay patas at sustainable fare para patuloy na makapag-operate.
