dzme1530.ph

BINI MIKHA, TAMPOK SA MUSIC VIDEO NG BAGONG SINGLE NI INIGO PASCUAL

Loading

Isinapubliko na ni Iñigo Pascual ang kanyang bagong single na “Pagdating ng Panahon,” kasama si BINI Mikha Lim sa music video na partly ay dinirek ng kanyang ama na si Piolo Pascual.
 
Sinabi ng singer-songwriter na nagdiwang ng kanyang 29th birthday noong Sept. 14, na ang kanyang bagong single ay regalo niya sa sarili, kasunod ng tagumpay ng huli niyang single na “Ikaw at Ako” na ni-release noong Mayo.
 
Aniya, ang “Pagdating ng Panahon” ay pagpapatuloy ng kanyang ideya na may storyline tungkol sa dalawang magkaibigan na nasa bingit ng pag-iibigan subalit kailangang harapin ang inaasahang paghihiwalay ng mahabang panahon.
 
Inamin ni Iñigo na inalok niya si Mikha na maging bahagi ng music video para sa bagong single, at hindi naman aniya nagdalawang-isip ang BINI member na pumayag sa kabila ng busy schedule nito.
 
Idinagdag pa nito na nakapag-shoot sila ng mga eksena bago lumabas ng bansa para sa tour ang P-Pop group.

About The Author