dzme1530.ph

DALAWANG PANUKALA PARA MATIYAK ANG PROTEKSYON AT KALIGTASAN NG MGA BATA SA MGA PAARALAN, LUSOT NA SA SENADO

Loading

Lusot na sa Senado ang dalawang panukalang naglalayong bigyang proteksyon ang kabataan at matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan.

Inaprubahan sa 3rd and final reading ang proposed Sagip Bata Act o Senate Bill Number 1819 at ang panukalang Comprehensive School Safety Act o Senate Bill Number 2426.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, author at sponsor ng Sagip Bata Act, palalakasin ng panukala ang kakayahan ng mga law enforcers sa pag-iimbestiga at pagbabantay sa mga internet platforms, gaya sa mga kaso ng pang-eengganyo sa mga bata sa nihilistic violent extremism.

Oobligahin sa mga internet platforms ang mahigpit na verification ng mga edad ng mga papasok dito at oobligahin din ang mga technology platforms na magtalaga rito ng legal representative para may tatanggap ng subpoena, takedown at blocking orders at request for information kapag may iniimbestigahan.

Palalakasin nito ang batas na Anti Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Act o Anti OSAEC Law.

Sa ilalim naman ng Comprehensive School Safety Act, bubuo ng Comprehensive School Safety Framework kung saan kabilang ang pag-aatas sa mga eskwelahan na gumawa ng school safety plan at ng mga protocol para sa risk assessment and training, emergency response procedures at multidisciplinary recovery kung saan kabilang ang psychosocial support sa mga mag-aaral at school personnel.

Oobligahin din nito sa mga eskwelahan ang paghihigpit sa seguridad — kung saan kabilang ang pagkakaroon ng metal detectors, mandatory bag checks, CCTV coverage sa monitored areas at gadget ban kapag oras ng klase.

About The Author