![]()
Halos dalawang milyong katao ang isinailalim sa evacuation orders sa Japan sa harap ng banta ng Typhoon Dujuan.
Sa ulat ng public broadcaster na NHK, dalawang katao ang nasawi habang apat na iba pa ang nawawala dahil sa bagyo.
Nagbabala ang Meteorological Agency ng Japan ng “imminent threat to life,” bagaman ibinaba na ang iba’t ibang weather warning.
Mahigit 50,000 katao ang nawalan ng kuryente bunsod ng malakas na hangin habang daan-daang flights ang kinansela at rail services ang sinuspinde.
