dzme1530.ph

DAVAO CITY MAYOR BASTE DUTERTE, MULING PADADALHAN NG SUBPOENA NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Muling padadalhan ng Impeachment Court ng subpoena si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.
 
Ito ay upang humarap siya sa impeachment trial sa kaso ni Vice President Sara Duterte sa September 28 hanggang 30.
 
Ayon kay Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol, babawiin ang unang subpoena na naisilbi na sa alkalde para humarap siya bukas, September 23.
 
Hindi itinuloy ang pagpapaharap sa kanya sa Miyerkules dahil naka-schedule ang oral argument ng mga abogado ng prosekusyon at depensa ukol sa voting threshold o pagtukoy sa bilang ng boto para sa paggawad ng mga senador ng hatol kay VP Sara.
 
Kapag naisilbi ang subpoena, sinabi ni Tongol na hindi kailangan ng abiso o sagot ng Bise Presidente kung pupunta ito o hindi dahil obligado na itong pumunta dahil utos ito ng Impeachment Court na dapat niyang sundin.

About The Author