dzme1530.ph

MGA ALEGASYON KAUGNAY SA BUSINESS INTERESTS NI VP SARA DUTERTE, HANDANG SAGUTIN NG DEFENSE TEAM

Loading

TINIYAK ni Atty. Michael Poa ng Defense team ni Vice President Sara Duterte na handa nilang sagutin ang mga alegasyon kaugnay sa umano’y business interests at unexplained wealth kapag panahon na nilang magharap ng mga argumento.
 
Tumanggi munang sumagot ang abogado kaugnay sa mga naging testimonya ng ilang testigo ng prosekusyon partikular kay Atty Gerardo del Rosario, director ng Securities and Exchange Commission para hindi lumabag sa subjudice rule.
 
Aminado naman si Poa na maaari ring maulit sa kanilang pagkakataong magharap ng ebidensya ang pagtatagal ng prosekusyon sa pagpepresinta ng mga dokumento dahil natural lamang ang ganito sa paglilitis.
 
Kahapon ay iniharap ng prosekusyon sa pamamagitan ng opisyal ng SEC ang mga dokumento hinggil sa ilang negosyo ni VP Sara kahit siya ay nanunungkulan na bilang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
 
Sinabi ni del Rosario na labag ito sa probisyon ng konstitusyon na nagbabawal sa presidente, bise presidente at iba pang nasa ehekutibo na magkaroon ng business interests habang nanunungkulan.

About The Author