dzme1530.ph

ALAMIN KUNG ANO ANG LIPOMA

Loading

Ang lipoma ay bukol na nabubuo sa ilalim ng balat dahil sa pagdami ng mga fat cells.
 
Kadalasan, hindi ito cancerous at madalas makita sa leeg, balikat, likod, at mga braso.
 
Ayon sa mga doktor, malambot ang lipoma, madaling maig alaw kapag hinihipo, at karamihan ay hindi masakit.
 
Gayunman, maaari itong magdulot ng kirot kung pinipisil nito ang mga ugat o kalamnan.
 
Pinapayuhan ang publiko na magpatingin kung ang bukol ay mabilis lumaki, nagiging masakit, matigas, o nagbabago ang hugis upang matiyak na hindi ito maituturing na nasa malubhang kondisyon.
 
Paalala ng mga eksperto, huwag basta pisain o tusukin ang anumang bukol dahil mahalaga ang tamang pagsusuri at payo ng doktor.

About The Author