![]()
Dalawa hanggang tatlong websites ang binlock ng PNP dahil sa umano’y pagpo-promote ng real-world violence at online grooming, kasunod ng school-related threats.
Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na nakikipag-ugnayan sila sa National Telecommunications Commission (NTC) at internet service providers para sa blocking ng websites.
Tumanggi naman si Co na tukuyin ang concerned websites dahil maaaring dumami pa ang maging interesado sa online platforms.
Idinagdag ng opisyal na ongoing ang blocking effort habang ipinagpapatuloy ng mga awtoridad ang pagtukoy sa iba pang websites na nagtataglay ng kaparehong content.
