dzme1530.ph

ON-CAMPUS CLASSES, BALIK NA SA ATENEO DE ZAMBOANGA, ISANG BUWAN MAKALIPAS ANG MALAGIM NA PAMAMARIL

Loading

Balik na sa face-to-face classes ang mga mag-aaral sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School, mahigit isang buwan makalipas ang malagim na pamamaril na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Mahigpit na ininspeksyon ng mga awtoridad ang mga bag ng mga mag-aaral, pati na ang ilalim ng mga sasakyang pumapasok sa campus.

Sinuspinde ng unibersidad ang on-campus classes ng ilang linggo kasunod ng pamamaril ng isang estudyante sa classroom noong Aug. 18 na ikinasawi ng dalawang mag-aaral, kabilang ang shooter.

Samantala, nagpaabot din ang ADZU ng pakikiramay sa Banga National High School sa South Cotabato, kung saan naganap ang pinakabagong insidente ng school shooting noong Biyernes na ikinasawi ng tatlong indibidwal at ikinasugat ng anim na iba pa.

About The Author