![]()
Masaya si Vice President Sara Duterte na nakita ng mga judge ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa unang appearance nito sa status conference sa kasong crimes against humanity, noong nakaraang linggo.
Sa ambush interview, sinabi ni VP Sara na sa wakas ay nakita ng mga hukom na nasa advance age na ang kanyang ama.
Umaasa ang Bise Presidente na matatalakay sa hukuman ang kalusugan ng dating Pangulo.
Matapos ang status conference, nagpasya ang Trial Chamber na manatiling nakaditine sa The Hague ang nakatatandang Duterte.
Gayunman, wala pang pasya ang Chamber sa isyu ng fitness ng former president, sa hiling ng depensa na “greater medical certainty” habang kinukwestyon ang report ng expert panel.
