dzme1530.ph

DMW, TINIYAK NA WALANG PINOY NA NASAKTAN SA MISSILE ATTACKS SA RIYADH SA NAGDAANG WEEKEND

Loading

Walang Pilipino na nasaktan o naapektuhan sa mga pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia noong Sept. 18 at 19, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Inihayag ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Saudi Arabia, sa pamamagitan ng kanilang Migrant Workers Offices (MWOs), na mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy at Consulate.

Tiniyak ng ahensya na handa ang embahada at konsulado na asistihan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring mangailangan ng tulong.

Noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga ay naglunsad ang Houthi militants ng drone at ballistic missile attacks kung saan tinarget ang Riyadh at energy sites sa kahabaan ng Red Sea coast.

Pinayuhan naman ng DMW ang mga OFW na manatiling alerto at tumalima sa lahat ng guidance at advisories na inilalabas ng local authorities.

About The Author