dzme1530.ph

SIM registration, palawigin pa!

Hinikayat ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Information and Communications Technology na palawigin pa ang pagpaparehistro ng Sim numbers na nakatakdang magtapos bukas, April 26.

Kasabay nito, hinimok ni Go ang mga telecommunication companies na gawing simple ang pagpaparehistro at turuan ang lahat ng mga Sim users sa proseso.

Ipinaliwanag ng Senador na hindi naman talaga kakayanin sa ibinigay na panahon ang pagpaparehistro ng lahat ng Sim numbers lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na ipatutupad ang batas.

Kailangan din anyang ayusin ang sistema at tiyakin ng mga telco na hindi na aabot sa puntong mapuputol ang kanilang serbisyo sa mga bigong magparehistro.

Muli namang hinimok ni Go ang mga hindi pa nakakapagparehistro na tumugon sa batas dahil ito ay para rin sa proteksyon ng lahat. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author