dzme1530.ph

SERBISYO NG STRADCOM, PINUTOL NA NG LTO

Loading

KINUMPIRMA ng Land Transportation Office na pinutol na nila ang serbisyo ng kumpanyang STRADCOM Corporation, ang Information Technology o IT Company na Service Provider ng LTO.
 
Sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Transportation, sinabi ni LTO Exec. Director Martin Ontog na naglabas na ng dalawang Memorandum ang LTO para putulin na ang Serbisyo ng STRADCOM.
 
Sa bawat transaksyon sa LTO na gagamit sa Serbisyo ng STRADCOM ay may nakahiwalay na babayaran para sa kanila.
 
Sa ngayon ay ang sarili nang Land Transport Management System o LTMS ang gamit ng LTO na binayaran ng kabuuang walong Bilyong Piso.
 
Una rito, nagtataka si Senate President Sherwin Gatchalian na simula ng 2013 ay wala nang kontrata ang STRADCOM sa LTO ngunit patuloy na ginamit ang kanilang System at binayaran.
 
Sa katunayan ay simula noong 2019 hanggang 2025 ay mahigit P13 Billion ang naibayad ng LTO sa STRADCOM Corp.
 
Para kay Gatchalian, hindi makatarungan na nagbabayad ang gobyerno ng bilyones sa isang system na obsolete na.
 
Kung hindi umano naihabol ng LTO na naglabas ng Memorandum at pinutol na ang Serbisyo ng STRADCOM ay malamang ay Zero ang Budget ng LTO para sa susunod na taon.

About The Author