![]()
Binigyang-diin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pangangailangang tiyaking wasto at may malinaw na resulta ang paggamit ng panukalang 2027 budget ng Department of Agrarian Reform o DAR, lalo na para sa mga agrarian reform beneficiaries.
Sa pagdinig ng Finance Committee sa 2027 budget ng DAR, inihayag na naglaan ang Department of Budget and Management ng 14.69 billion pesos para sa ahensya.
Ito ay 13 percent na mas mababa kumpara sa 2026 budget ng DAR.
Ayon kay Pangilinan, dapat malinaw kung sapat ang pondo at kung ano ang tiyak na maihatid ng mga programa, partikular ang Climate-Resilient Farm Productivity Support para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo.
Binigyang-diin niya na dapat makatulong ang pondo sa pagpapaunlad ng mga sakahan, pagpapalakas ng produktibidad at resilience ng mga magsasaka, at pagtaas ng kanilang kita.
Hiniling din ni Pangilinan na tutukan ng DAR ang mga hamon ng mga magsasaka, kabilang ang pagtaas ng presyo ng fuel, abono at pestisidyo, at ang epekto ng El Niño.
