dzme1530.ph

SENADOR ROBIN PADILLA, TINIYAK NA HINDI NA KAKANDIDATO SA 2028 ELECTIONS

Loading

Tiniyak ni Senador Robinhood Padilla na wala na siyang balak kumandidato sa 2028 elections.
 
Sinabi ni Padilla na maliliit pa ang kanyang mga anak at isang tahimik na buhay-Islami lamang ang kanyang pinapangarap at minimithi.
 
Nagpasalamat din ang senador sa mga patuloy aniyang nagtutulak sa kanyang manatili sa pulitika subalit malinaw naman aniyang hindi siya nababagay sa mundong ito.
 
Pinangalanan din ng mambabatas ang mga posibleng makatangdem ni Vice President Sara Duterte.
 
Kabilang dito sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Ronald Bato dela Rosa, Rodante Marcoleta at Atty. Salvador Panelo.

About The Author