![]()
Walang plano si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mag-resign.
Ito ay kasunod ng pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na handang-handa siyang mag-takeover sa gobyerno anumang oras.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kung wish ng kampo ng Bise Presidente na ma-resign ang Pangulo ay mabibigo lamang sila.
Itinanggi rin ni Castro ang alegasyon ng kampo ng Bise Presidente na ginagamit ng Malacañang ang mga senador, police officials at iba pang government personalities para sa impeachment case.
Binigyang-diin ni Castro na tinutupad lamang ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mandato kaugnay sa kaso.
