dzme1530.ph

NBI, NAKAKITA NG RED FLAGS SA 47 FLOOD CONTROL PROJECTS SA DAVAO CITY

Loading

Nakatanggap ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga dokumento kaugnay sa halos limampu umanong ghost at substandard flood control projects sa Davao City.
 
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na 47 mula sa 100 flood control projects sa isang distrito ay “somewhat flagged” subalit kalaunan ay anim lamang mula rito ang malinaw na mayroong problema.
 
Aniya, natanggap nila ang dokumento mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na medyo naka-red flag.
 
Inihayag ni Matibag na ₱1.9 billion sa distrito ni Davao City Rep. Paolo Duterte ay in-award sa isang contractor na pag-aari ng isang indibidwal na malapit sa kanilang pamilya.
 
Idinagdag ng NBI Director na maglalabas sila ng subpoenas sa tatlong contractors at sa DPWH.

About The Author