![]()
Panibagong big-time oil price hike ang nakaamba bunsod ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
Ayon sa oil industry sources, posibleng madagdagan ng ₱10.50 hanggang ₱11 per liter ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Tinaya naman sa ₱4.50 hanggang ₱5 per liter ang itataas sa gasolina.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay tumaas ng sampung piso kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.
