![]()
Matapos sumampa sa presyo ng Dubai crude oil sa 80 dollars per barrel threshold, tiniyak ng Malacañang na may sapat na supply ng petrolyo ang bansa.
Gayunman, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi pa naglalabas ang Development Budget and Coordination Committee ng rekomendasyon hinggil sa suspensyon ng excise taxes sa fuel products.
Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na wala silang nakikitang bababa ang presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Idinagdag ni Castro na sa sandaling magkaroon ng rekomendasyon sa suspensyon sa excise tax ay agad itong aaksyunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
