dzme1530.ph

EUROPEAN UNION CHIEF, SUPORTADO ANG PLANO NG CANADA NA MAGING “ASSOCIATE MEMBER”

Loading

Suportado ng Pangulo ng European Commission ang proposals para sa Canada na maging kauna-unahang “associate member” ng European Union (EU).

Inihayag ni Ursula von der Leyen sa European Parliament na nais niyang buksan ang pintuan para sa Canada, na inaasahang magbubunga ng mas mahigpit na ugnayan sa iba’t ibang mahahalagang sektor.

Noong nakaraang linggo ay nabanggit ni Canadian Prime Minister Mark Carney na nais niyang magkaroon ng “unique alliance” sa EU.

Kasalukuyang nakaharap ang bansa sa tensyonadong relasyon sa Estados Unidos, na pinalala ng umiigting na alitan dahil sa kalakalan.

About The Author