dzme1530.ph

MIYEMBRO NG HOUSE PROSECUTION PANEL AT PRIVATE PROSECUTOR, PINAGPAPALIWANAG NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Inisyuhan ng Impeachment Court ng show cause order ang isang kongresistang kasapi ng House prosecution panel at isang pribadong abogado ng prosekusyon.

Ito ay makaraang matukoy ng Impeachment Court na lumabag sa sub judice rule o sa pagbabawal sa kanilang talakayin ang merito ng impeachment cases laban kay VP Sara Duterte sa labas ng paglilitis.

Ayon kay Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol, sa kautusan ni Impeachment Court Presiding Officer, may dalawampu’t apat na oras ang dalawa upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat ma-contempt.

Sinabi ni Tongol na na-monitor ng Impeachment Court ang mga paglabag sa sub judice rule noong September 8, 14 at 15.

Nakadadalawang paglabag ang congressman-prosecutor at isa ang paglabag ng private prosecutor na hindi muna pinangalanan.

Sa ruling ni Escudero noong August 26, ipinagbabawal ang senator-judges, mga abogado ng prosecution at defense teams, kanilang mga testigo, kasama ang nililitis na si VP Duterte na magkomento publicly sa merits ng pending na impeachment cases.

Batay sa ruling ni Escudero, ang sub judice violators ay i-reprimand sa unang paglabag habang may 30-thousand pesos nang multa sa kada pag-ulit ng paglabag.

About The Author