![]()
Iginiit ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro na hindi lang dapat tumutok ang pamahalaan sa enforcement pagdating sa problema sa ilegal na droga.
Binigyang-diin ni Teodoro na dapat ding pagtuunan ng pansin ang prevention, treatment, rehabilitation, at reintegration.
Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos isponsor ang panukalang 526.546 million pesos na budget ng Dangerous Drugs Board (DDB) para sa 2027, sa ikalawang araw ng plenary deliberations sa proposed 7.2-trillion-peso national budget.
Ayon kay Teodoro, mas mababa ang naturang alokasyon ng 12% o 71.624 million pesos kumpara sa budget ng ahensya na 598.170 million pesos ngayong 2026.
Sa panukalang budget para sa DDB, 169.182 million pesos ang inilaan para sa Drug Abuse Prevention and Control Program.
Kabilang dito ang 111.694 million para sa policy formulation, surveys, research and studies; 32.845 million pesos para sa advocacy and information programs; at 24.643 million pesos para sa capacity building.
Idinagdag ni Teodoro na mahalaga ang pananaliksik at evidence-based policy making sa paggabay sa pamahalaan upang matukoy kung saan higit na kinakailangan ang treatment at community-based programs.
