![]()
Naghain ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder laban sa kanya at tatlong iba pa kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
Ginawa ng kongresista ang kanyang plea sa pamamagitan ng pagdalo sa arraignment at pre-trial proceedings sa pamamagitan ng video conference mula sa Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.
Nagtungo naman ang Division Clerk of Court sa kulungan upang basahin ang kaso.
Pinayagan din ang assisting counsel para kay Romualdez at isa pang miyembro ng prosecution panel sa kulungan habang ang ibang miyembro ng legal team ng kongresista ay nasa loob ng courtroom.
Tatlong media representatives din ang pinayagang makapasok sa loob ng jail facility para sumaksi sa arraignment.
