dzme1530.ph

JAO MAPA, INAMIN NA SI ROSANA ROCES ANG KANYANG TOTGA O THE ONE THAT GOT AWAY

Loading

Binalikan ni Jao Mapa ang maikling relasyon niya kay Rosana Roces na nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang “Matrikula” noong 1997.

Nang tanungin sa isang panayam ang tungkol sa kanyang past relationships at kung mayroon siyang TOTGA o the one that got away, sinabi niya na si Rosana.

Sinabi ni Jao na tumagal lamang ang kanilang relasyon ng dala o tatlong buwan pagkatapos nilang gawin ang “Matrikula.”

Aniya, 18 years old siya nang gawin niya ang pelikula at maaaring ituring na May-December romance ang kanilang relasyon, bagaman 4 years lang naman ang age gap nila ng aktres.

Nang balikan naman ang project, inamin ni Jao na nagsisisi siya na tinanggap niya ang role dahil ang bata pa niya nang gawin iyon.

About The Author