dzme1530.ph

FIRST PARLIAMENTARY ELECTIONS SA BARMM, GENERALLY PEACEFUL

Loading

Nanindigan ang Philippine National Police na ‘generally peaceful’ ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
 
Ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., bagama’t may ilang security challenges, maituturing pa ring peaceful at orderly sa malaking bahagi ng rehiyon.
 
Sa kabila ito ng mga napaulat na insidente ng pamamaril, pagsabog at recovery ng improvised explosive devices.
 
Sa datos, apat katao ang napaulat na nasawi habang 20 pa ang sugatan sa ilang insidente ng karahasan.
 
Sinabi ni Nartatez na mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng PNP katuwang ang Commission on Elections at iba pang security partners sa bawat insidente. 
 

About The Author