![]()
Itutuloy ngayong Martes ang kauna-unahang parliamentary elections sa Maluso, Basilan, kasunod ng pagkakadiskubre sa pre-shaded ballots kahapon.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ala-sais kagabi nang dumating ang mga bagong print na balota.
Aniya, direkta itong ipinamahagi sa mga miyembro ng electoral board kaninang madaling araw, sa halip na ilagay sa municipal hall.
Idaraos ang eleksyon simula ngayong ala-siyete ng umaga hanggang mamayang alas-siyete ng gabi.
Una nang inilagay ng poll body sa kanilang kontrol ang Maluso matapos 36 mula sa 86 precincts ang nakompromiso dahil sa pre-shaded ballots.
