dzme1530.ph

BILANG NG MGA NAWAWALA SA NASUNOG NA BARKO SA PALAWAN, BUMABA SA 86

Loading

Bumaba na sa 84 mula 86 ang patuloy na hinahanap matapos masunog ang MV June Aster sa Coron, Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, dalawa sa mga sinasabing nasa manifesto ang lumutang at kinumpirmang hindi sila sakay ng barko.

Sa pinakahuling datos, 43 individuals ang nailigtas habang lima ang nasawi dahil sa insidente.

Sinabi rin ni Cayabyab na may makapal pa ring usok na nagmumula sa barko kaya’t nahihirapan ang mga rescuer na makapasok.

Pinalawak na rin ng Coast Guard ang kanilang search operations katuwang ang BRP Melchora Aquino upang mahanap ang nawawala pang mga pasahero at tripulante.

About The Author