![]()
Naghain ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng urgent motion sa Supreme Court upang maresolba ang kanyang aplikasyon para sa Temporary Restraining Order sa kasong grave threats na isinampa laban sa kanya sa Quezon City Regional Trial Court.
Inihain ang mosyon noong Lunes, Sep. 7, matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest laban kay Duterte noong nakaraang Biyernes, Sep. 4, at naglagak ng piyansa ang Bise Presidente noong Sabado.
Noong Agosto ay naghain ang Department of Justice ng three counts of grave threats laban sa Vice President.
Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Duterte sa online briefing na may nakausap siyang tao para patumbahin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at noo’y Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang.
