dzme1530.ph

TRANSPORT STRIKE, IKINASA NG GRUPONG MANIBELA SA LUNES

Loading

Inanunsyo ng transport group na Manibela na maglulunsad sila ng nationwide transport strike sa Lunes, Sep. 14, bunsod ng tumataas pa ring presyo ng produktong petrolyo.

Sa Facebook post, tinawag ng Manibela na inutil ang Department of Energy (DOE) dahil nananatiling mataas ang presyo ng krudo at gasolina.

Nitong Martes ay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis na karagdagang 4 pesos and 69 centavos sa kada litro ng gasolina, 5 pesos and 18 centavos sa diesel, at 5 pesos and 58 centavos sa kerosene.

Ipinaliwanag ng DOE na ang nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng US at Iran ang dahilan ng pagsipa ng presyo ng oil products.

Isa rin umanong factor ang humihinang halaga ng piso laban sa dolyar.

About The Author