dzme1530.ph

VP SARA, MAAARING I-WITHDRAW ANG KANYANG SECURITY DETAIL KUNG WALA SIYANG TIWALA SA MGA ITO, AYON SA DEFENSE CHIEF

Loading

Maaaring i-withdraw ni Vice President Sara Duterte ang kanyang security detail, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Tugon ito ng kalihim nang hingan siya ng reaksyon sa sinabi ni VP Sara na wala itong tiwala sa mga pulis, sa korte, at maging sa security team na naka-assign sa kanya.

Ipinaliwanag ni Teodoro na karapatan ng Bise Presidente na i-request iyon, at ang mga sundalo naman aniya ay mission trained, wala namang personalan.

Idinagdag ng Defense Chief na wala pa siyang natatanggap na anumang request mula kay VP Sara na i-withdraw ang kanyang security.

Inihayag din ni Teodoro na maaari namang pumili o kumuha si Duterte ng sarili nitong private security kung wala talaga itong tiwala sa mga sundalo o pulis.

About The Author