![]()
Posibleng umpisa pa lang ang 7.4-billion peso plunder case na isinampa laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa marami pang kasong lalabas sa imbestigasyon ng pamahalaan sa umano’y katiwalian sa flood control projects, ayon sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na na-trace ng mga imbestigador ang statements at iba pang mga ebidensya na kinapapalooban ng hanggang 56 billion hanggang 57 billion pesos na umano’y project deliveries.
Aniya, 7.4 billion pesos lamang ang naunang naisampa ng prosecutors dahil ito lang ang halaga na na-establish, sufficiently.
Idinagdag ni Clavano na ang natitirang halaga na 49 billion pesos hanggang halos 50 billion pesos ay magiging subject, aniya, sa mga susunod na kaso.
Binigyang-diin ni Clavano na ang 7.4 billion pesos ay hindi kumakatawan sa full amount na iniimbestigahan ng Ombudsman.
