dzme1530.ph

Ideya ng DOH kaugnay sa pagpayag na magsilbing nursing aide, assistant ang mga 1st at 2nd year nursing students, kinontra!

Kinontra ni Barangay Health Wellness Party-list Rep. Angelica Natasha Co, ang ideya ng DOH na payagan nang maging nursing aide at nursing assistant ang mga 1st at 2nd year nursing students.

Ayon kay Congw. Co, hindi pa handa sa trabahong pang nurse ang mga 1st at 2nd year students dahil pawang “general education” subjects pa lang ang kanilang napag-aralan.

Payo ni Co, kung nais talaga ng DOH na solusyunan ang kakapusan sa nursing personnel, mas praktikal kung 3rd year at nursing graduates na hindi pa pumapasa sa board exam ang kanilang i-top.

Gayunman, dapat magtakda rin ng qualifying practical exam ang DOH at hospitals na kumuha sa serbisyo ng 3rd year nursing student.

Dapat din ayon kay Co na italaga ang mga undergraduate nursing students sa hindi critical jobs sa hospitals, at ang pag-aasikaso sa mga pasyente ay dapat sa mga registered nurse pa rin.

About The Author