![]()
Naghain ng isang buwang leave si Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III.
Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan matapos dumaan sa EDSA Busway ang kanyang sasakyan.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang leave ni Torre ay simula ngayong araw.
Una nang ni-revoke ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver ni Torre na gumamit ng kanyang sasakyan na may unauthorized MMDA markings.
