dzme1530.ph

11 KATAO, PATAY SA PAGGUHO NG YELO SA NORTH CAUCASUS SA RUSSIA

Loading

Hindi bababa sa labing-isang indibidwal ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan matapos tamaan ng avalanche o pagguho ng niyebe ang grupo ng climbers sa Kabardino-Balkaria Region sa Russia sa North Caucasus, ayon sa local emergency services.
 
Gumuho ang yelo mula sa taas ng Mount Mizhirgi na isa sa highest peaks sa North Caucasus, at tinamaan ang grupo ng tatlumpu’t tatlong climbers.
 
Sinabi ng emergency services na sampung climbers naman ang nakababa sa bundok habang anim na iba pa ang nawawala.
 
Mahigit limampung emergency workers ang nagtutulong-tulong sa search and rescue operation, subalit napipigilan ang mga hakbang bunsod ng mahirap na terrain at mataas na tsansa na magkaroon muli ng mga avalanche.

About The Author