dzme1530.ph

KASO NG LEPTOSPIROSIS SA MAYNILA, SUMAMPA NA SA EPIDEMIC LEVEL

Loading

Sumampa na sa epidemic threshold ang leptospirosis cases sa Maynila, na ang ibig sabihin ay lumampas na sa inaasahan ang bilang ng mga kaso ng impeksyon sa lungsod sa isang partikular na panahon.
 
Ayon sa Manila City Health Officer Grace Padilla, umabot na sa halos isanglibo ang kaso ng leptospirosis na kanilang naitala ngayong taon.
 
Aniya, naobserbahan sa lungsod ang mataas na kaso ng leptospirosis sa nakalipas na dalawang linggo at nalagpasan ang epidemic threshold para sa vector-borne disease.
 
Idinagdag ni Padilla na sa ngayon, ang Maynila ay mayroon “high” attack rate na three.
 
Sa epidemiology, ang attack rate ay tumutukoy sa proportion ng mga indibidwal na nagkasakit sa isang populasyon na sa una ay wala namang sakit.

About The Author