dzme1530.ph

LISENSYA NG DRIVER NG SUV NA MAY UNAUTHORIZED MMDA MARKINGS, KINANSELA NG LTO

Loading

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver na nahuling nagmamaneho ng sports utility vehicle (SUV) na may unauthorized markings ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at gumagamit ng EDSA Busway.
 
Ayon sa LTO, nabunyag sa kanilang imbestigasyon na mayroong iba pang violation ang driver gamit ang kaparehong sasakyan, kaya idineklarang “improper person to operate a motor vehicle” at tuluyang kinansela ang driver’s license nito.
 
Sa pagsusuri sa dalawang insidente, nakita ng ahensya ang paulit-ulit na paglabag at maling representasyon na may kaugnayan sa paggamit ng sasakyan at mga pagkakakilanlan na hindi awtorisado para rito.
 
Bagaman hindi tinukoy ng LTO ang may-ari ng sasakyan, una nang nabunyag na si MMDA General Manager Nicolas Torre III ang may-ari ng SUV at lulan siya nito bilang pasahero.

About The Author