dzme1530.ph

ILANG ACKNOWLEDGEMENT RECEIPTS NA GINAMIT SA LIQUIDATION NG CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP AT DEPED, KINUWESTYON

Loading

Kinuwestiyon ni Senator-Judge Raffy Tulfo ang ilang acknowledgment receipts na ginamit sa liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education o DepEd.
 
Napansin ni Tulfo na bagamat magkakaiba ang mga pangalan ng mga payee sa mga resibo, lumitaw namang magkakapareho ang sulat-kamay at mga pirma sa mga ito.
 
Ayon kay Tulfo, nagdudulot ito ng pag-aalinlangan sa authenticity ng mga dokumento.
 
Sinabi rin ni Tulfo na maaaring maunawaan ang paggamit ng alias sa mga resibo, lalo na kung ito ay para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga informant.
 
Pero para sa senador, mas kaduda-duda ang magkakaparehong pirma at sulat-kamay sa likod ng magkakaibang pangalan.
 
Posible anyang iisa lamang ang taong sumulat at nagpirma sa mga resibo, sa kabila ng pagkakatala ng magkakaibang payee.
 
Ang mga pagdududa sa mga resibo ay mahalagang isyu sa pagliquidate ng confidential funds, dahil kailangan anyang matiyak ng Impeachment Court kung ang mga dokumentong isinumite bilang patunay sa paggamit ng pondo ay lehitimo at mapagkakatiwalaan.

About The Author