![]()
AMINADO si Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na posibleng makadelay sa proseso ng impeachment kung umabot sa Korte Suprema ang usapin ng threshold sa boto ng mga senador para sa conviction o acquittal.
Sinabi ni Tongol na anumang usapin na wala sa inilatag nilang schedule ay maaaring makaapekto sa takbo ng proseso.
Pero sa ngayon anya ay ang ruling ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na 2/3 ng mga senador o 16 na boto ang kailangan upang maigawad ang conviction.
Gayunman, nilinaw ni Tongol na maituturing na rin namang justiciable issue ang threshold na nangangahulugan na maaari na itong kwestyunin ngayon sa Supreme Court.
