![]()
IPINALIWANAG ni Senator Judge Vicente Tito Sotto III ang batas na sumasaklaw sa paggamit ng alyas bago tuluyang umarangkada ang pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang manifestation, sinabi ni Sotto na kung mayroon totoong tao sa likod ng alyas, ito ay maituturing na alyas, subalit pero kung walang tao sa likod ng alyas, ito ay gawa-gawa o kathang-isip lamang.
Binigyang-diin ni Sotto na ang paliwanag na ito ay nakasaad sa Republic Act 6085 o ang batas na nagre-regulate sa paggamit ng alyas.
Ginawa ni Sotto ang paglilinaw matapos na hindi gaanong naklaro ni private prosecution lawyer Atty. Mae Divinagracia ang batas ukol sa paggamit ng alyas sa pagtatanong sa kanya ni Senator Judge Robin Padilla.
