![]()
Matunog ang bulung-bulungan na buntis na si Sarah Geronimo kasunod ng isang social media post kung saan binati ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli na “soon-to-be daddy.”
Ang pagbati ay mula sa isang Facebook user na nagpakilalang kaibigan ni Matteo at nagbahagi ng larawan nila ng aktor matapos umanong magkakasalubong sa isang coffee shop sa Quezon City.
Sa comment section, may nagtanong kung totoong buntis si Sarah, at sinagot naman ito ng FB user ng “confirmed from the [horse’s] mouth.”
Kalaunan ay dinelete ang post, subalit kumalat na ang screenshots sa social media, na nagdulot ng panibagong espekulasyon sa fans.
Hindi ito ang unang beses na naging subject ng pregnancy rumors ang mag-asawang Sarah at Matteo.
Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma o itinatanggi ng celebrity couple ang panibagong pregnancy rumors.
Feb. 20, 2022 nang ikasal sina Sarah at Matteo sa isang private ceremony sa Taguig.
