dzme1530.ph

MINDANAO GRID, ILALAGAY SA YELLOW ALERT STATUS

Loading

Ilalagay sa Yellow Alert status ang Mindanao Grid ngayong araw ng Martes.
 
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ipatutupad ang Yellow Alert mula 1 p.m. hanggang 8 p.m.
 
Sa datos, ang available capacity ng Mindanao Grid ay 2,555 megawatts habang ang peak demand ay nasa 2,450 megawatts.
 
Ipinaliwanag ng NGCP na ang Yellow Alert ay ipinapatupad kapag ang hindi sapat ang suplay ng grid sa contingency requirement.

About The Author