![]()
Hindi tama na tawagin agad na “mastermind” sa flood control scandal si former Speaker Martin Romualdez, samantalang nasa preliminary investigation pa lamang ito.
Ayon kay Atty. Ade Fajardo, ang pag-label ay lumilikha ng impresyon na “hinusgahan na agad ito” bago pa man makumpleto ng Ombudsman ang pag-evaluate sa ebidensya.
Dahil dito, muling iginiit ng legal team ni Romualdez ang kanilang April 22 letter kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mag-inhibit ito sa kaso dahil sa maaga nitong paghusga laban sa dating House leader.
Ayon kay Fajardo, sa maraming public pronouncement ni Remulla, pre-judged na nito si Romualdez at may nabuo na agad na konklusyon.
Sa preliminary investigation, dinidetermina kung may sapat na basehan para isampa ang kaso sa korte.
Pero sa ganitong stage pa lamang, may derogatory label na agad—patunay anila na bias si Remulla laban sa kanyang kliyente.
