dzme1530.ph

NIA, PDDRMC, AT DPWH, NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATIONS SA STO. CRISTO DAM

Loading

LUBAO, Pampanga – Sanib-pwersang kumilos ang National Irrigation Administration (NIA), Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Department of Public Works and Highways (DPWH), sa isinagawang clearing operations sa Sto. Cristo Dam, Lubao, Pampanga simula kagabi hanggang kaninang umaga, Aug. 29.
 
Gamit ang tatlong long-arm backhoe, agarang inalis ang mga naipong forest at agricultural debris na nakaharang sa maayos na daloy ng tubig mula upstream.
 
Layunin ng operasyon na maiwasan ang patuloy na pagtaas ng water level sa upstream at mapanatiling maayos ang pagdaloy ng tubig patungo sa downstream, bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang ligtas at maayos na operasyon ng Sto. Cristo Dam.
 
Ang nasabing pagtutulungan ay nagpapakita ng matatag na koordinasyon at pagkakaisa ng mga kaugnay na ahensya sa agarang pagtugon sa mga sitwasyong maaaring makaapekto sa kaligtasan ng publiko.

About The Author